Friday, June 12, 2009

Isang Tula para sa aking Pilipinas...

Ngayon lang ulit ako nabuhayan sa pagsulat dito. Para sa mga tunay na Pilipino, maligayang 111th taon ng ating kalayaan! MABUHAY ANG MGA PILIPINO! MABUHAY ANG PILIPINAS! Sa araw na ito, isang tula ang aking handog para sa aking bayan. Nawa'y maibigan ninyo at kung ano man ang inyong maisip, maging malaya sa pagbibigay kumento. Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!
i
i
Maligayang Kaarawan, Lupang Sinilangan
Alfonso Orioste, Jr. (Copyrighted 2009)

Tayo ba ay tunay nang malaya?
Baka mga trapo… Sila pa rin ang malaya
Tayo ba ay tunay nang malaya?
Mga bata’t matatanda sa kalye, walang umaalala

Ngunit…

Ano pa man ang sabihin nila,
Hirap at pagod ay ‘di nakakataranta
‘Pagkat sa mata ni Juan laging may pag-asa
Idadaan na lang sa hagikgik at pagtawa

Galing nating Pinoy ‘di pa rin maikakaila
Lahat ng makabago sa atin noo’y nagmula
Unibersidad, banko at nakakaaliw na mga pista
Hanggang sa pagpapaalis ng mga lahing banyaga

Ating ipagmalaki, dugo’t pawis ng ating mga bayani
Magmula kay Rizal, Luna, Bonifacio’t Mabini
Ating pamarisan, pag-iisip nilang nakakabighani
Kabataan din sila noong sila’y nagwagi

Tayong lahat ay may angking galing at talino
Sa ating bayan nawa’y makapagbigay serbisyo
Ipagmalaki ang potensyal ng mga Pilipino
Titingalain din tayo ng buong mundo

Oo, malaya, tayo nga ay malaya na
Sinisikap maging malaya sa banyaga at higit na sa pulitika
Noo ay itaas kasabay ng bandila
Ating kalayaan ay huwag nang mabaliwala

Mahal na mahal ko ang aking bayan
Lalung-lalo na ang mga kabataan
Hinding-hindi ka namin tatalikuran,
Maligayang Kaarawan, Lupang Sinilangan.

21 comments:

  1. astig, mabuhay ka pare!

    ReplyDelete
  2. napakagandang tula Pangulong Ponching, tunay na nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa. =)

    Mabuhay ang Pilipinas!!
    Mabuhay ang mga kabataan!!
    Mabuhay ka Pangulong Ponching!!

    Tulad mo mahal na mahal ko rin ang Pilipinas sa isip, sa salita at gawa. Galingan natin para sa bayan!! =)

    -maes anonymouse

    ReplyDelete
  3. Isa kang tunay na ehemplo
    Para sa sambayanang Filipino
    Handog ko'y isang saludo
    Sa iyo, makabagong ilustrado :)

    ReplyDelete
  4. Malaya na ang Pilipinas. Malaya na si Ponching. Pero sa love life kaya niya? Malaya na ba siya sa hinagpis ng kahapon? Haha.

    ReplyDelete
  5. I love it Fawnsee! :)

    ReplyDelete
  6. maari ko po ba itong gamitin para sa aming sabayang bgkas?

    ReplyDelete
  7. coool..,
    -isa ka ata sa mga dapat ipagmalaki eh..

    ReplyDelete
  8. hiramin ko muna tula mo

    ReplyDelete
  9. Icay: "thanks po, Im using this as my project (: God Bless and more power!"

    ReplyDelete
  10. @icay: sige, maari mong gamitin iyan sa proyekto mo, sana'y makatulong. tanong lamang, anong proyekto iyan? :)

    ReplyDelete
  11. thankz talaga project ko rin to eh

    ReplyDelete
  12. great poem. two thumbs up for that. :)i'd like to use your poem in my assignment.. if that's okay? :DD thanks much much. God bless! :)

    ReplyDelete
  13. nice..i also have poems of diff categories..pls visit my blog http//:cutedaw-starblaze.blogspot.com

    thanks!!

    ReplyDelete
  14. ty poh kac may assign kami tula para sa bayan

    "plenty of blesing"


    ♥ ♥ ♥

    I love you

    ReplyDelete
  15. ang gling naman

    ReplyDelete
  16. nice ! ganda supperr !!!

    ReplyDelete
  17. ang galing ah.... salamat po

    ReplyDelete

MEMBER OF:

free logo design free logo design