Tuesday, August 4, 2009

Para sa tita nating lahat.

"Always think what it is you can contribute to other people because you cannot just accept your blessings or take them for granted because iisipin mo, "bakit ka pinili ng Diyos na magkaroon ng lahat ng ito?" There must be a reason for that and you share your blessings."
.
-Cory Aquino
.
Ang mga awiting "Magkaisa" at "Handog ng Pilipino sa Mundo" ay ilan lamang sa magagandang awiting inawit ng mga Pilipino sa gitna ng EDSA people power revolution noong 1986 na pinangunahan ni Cory Aquino. Hindi man ako naging parte ng pangyayaring iyon, ako pa rin ay mapalad na malaman ang istoryang bumago sa ating bansa. Marahil isa na nga sa tinitingalang simbolo ng demokrasya si tita Cory hindi lamang sa mata ng mga Pinoy ngunit sa pagtingin ng rin ng buong mundo. We must take pride with this event as part of our history.
.
.
.
...now, where do we Filipinos go from this point?
.
I hope and pray her death would not be in vain.
.
Nawa'y sa darating pong eleksyon, maging mas bukas po ang ating mga isipan at ipagpatuloy ang laban na sinimulan niya para sa mas maayos na bansang may demokrasya.
.
MARAMING SALAMAT po sa buhay na inalay ninyo sa bansang ito.


.
MABUHAY KA TITA CORY!





Thursday, July 16, 2009

Limang araw bago ang pagbubukas ng panibagong kapitulo ng aking buhay

Hulyo 16 na ngayon. Limang araw nalang, 20 na ako.
.
Dalawang dekada na pala akong nabubuhay sa mundong ito. Hahaha!
.
Salamat sa panibagong taon Lord! :)
.
.
.
.
...ano kaya ang feeling ng hindi na kasama sa teenager category?

Tuesday, June 30, 2009

Persons, oh Persons.

Wala na atang mas bibigat pa sa 1st sem ng isang freshman law student ng anumang institusyon, marahil dahil sa isang subject na 5-units, oh sa iba, 4, ang Persons and Family relations, o simpleng Persons.
.
Kanina kami unang nagharap ng aming propesora sa Persons. Nakakatuwa siya, sa totoo lang. Hindi maikakaila na magaling siya pati na rin sa pagporma. Pagpasok pa lamang niya, kasama ang kanyang anak (ang cute, naka-upo sa isang gilid), isang magandang pagbati ang aming narinig mula sa kanya, "Hello class, this is 1F right? So what are the facts of Tanada vs Tuvera case?"
.
Whoa. Teka. Ano daw? Good evening?
.
Tinginan kaming mga estudyante, kasabay pa ng kanyang pagsabi, "Okay, since the assignment was given 2 weeks ago, keep all your books, only handwritten notes can be read".
.
Wow, ano ba to? Bakit ganito, welcome na welcome ata kami. Isa-isa nang tinawag ang mga estudyante gamit ang mga class cards. Sa tamang hinala, walang sinuman ang nakasagot ng mga FACTS NG KASO NINA TANADA at TUVERA. Marahil dahil naging abala kami, sa pagmememorya ng mismong mga articles, hindi ang mga kasong nakapaloob sa bawat isa.
.
Kung tutuusin, 3 oras pala ito! AHHHHHHHHHHHH! Iyon na ata ang pinakamatagal na 3 oras ng buhay ko.
.
...Dumaan ang 1 oras, nasa Article 3 pa rin kami ng Civil Code, na malayong malayo pa sa Article 36, o ang buong preliminary title ng Civil Code.
.
...sa aking isip, "Lord, ang tagal naman ng 9:30pm"... At dumating ang 9pm...
.
"Okay, you don't know the answer? Maybe you know how to lead the prayer?"
.
Teka, tama ba 'yung narinig ko? Prayer? Tapos na? YEHEY NAKA-SURVIVE!!! :) Daig ko pa yata ang nanalo sa lotto eh. :) Thank you, Lord!!! Hindi ako natawag! :)
.
...Kung iisipin, talagang mahirap mag-adjust. Lalo na sa unang pagkakataon na magkita kayo ng inyong guro. Well ngayon, at least, alam na ng klase namin ang estilo ng propesor, makakapaghanda na sa susunod at malamang ay mapigilan na ang pag-ulan ng 50 sa recitation. Hay. Nakakapagod itong araw na 'to.
.
Makapagpahinga nga muna. :)

Monday, June 22, 2009

la práctica de nuestro español

(If you're fluent in speaking Spanish, please pardon my grammar, i'm still practicing... and Spongebob Squarepants isn't Spanish :P )

Nos encanta el idioma español. Aquí está mi sobrina, Eiger y yo practicamos nuestro español.

¡Espero que disfruten!

¿Que mona, no?

Sunday, June 21, 2009

Happy Father's Day Day ;P

I just want to say, HAPPY FATHER'S DAY, daddy Al! :) We miss you very much! If you're only alive today... I wouldn't have any hard time doing these case digests, just kidding. :) Love you, dad! :)

Don't forget to greet your daddies for me! God bless you! :)

Saturday, June 20, 2009

El Dia E




There were bands, lots of balloons and people, por supuesto. :)






Friday, June 19, 2009

Isang pagbati sa isang Ilustrado & H1N1 update

Ngayong Hunyo 19, nawa'y huwag nating kalimutan ang araw ng kapanganakan ng aking idolo, ating pambansang bayani. Isang partikular na estropa ang aking naalala sa kanyang tula bago siya patayin sa Bagumbayan. Hayaan n'yong ibahagi ko sa inyo ito.
.
.
...Adios, padres y hermanos, trozos del alma mía,. ...Farewell to you all, from my soul torn away,
Amigos de la infancia en el perdido hogar, . . . . . . . Friends of my childhood in the home dispossessed !
Dad gracias que descanso del fatigoso día; . . . . . . .Give thanks that I rest from the wearisome day !
Adios, dulce extrangera, mi amiga, mi alegria, . . ..Farewell to thee, too, sweet friend that lightened my way;
Adios, queridos séres morir es descansar. .. . . . . . . Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!
.
...last stanza of Mi Ultimo Adios (My Last Farewell)
.
-José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
(June 19, 1861 - December 30, 1896)
.
Maligayang ika-148 kaarawan, Gat. Jose Rizal! :)
.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
.
...siya nga pala, kaya ako nakakapag-blog ngayon ay dahil na-kansela ang mga klase sa San Beda hanggang Hunyo 29 dahil sa may nagpositibo sa A(H1N1). Whew. Nakakatakot at nasa silid-aklatan ako kanina ng eskwelahan. :( :( :(
.
Habang palabas ako, narinig ko 'yung mga ibang mga estudyante na nagkukwentuhan at di ko napigilang matawa:
.
Estudyante 1: Nakakatakot naman to, 'pag may umubo dapat ikulong agad!
Estudyante 2: Oo nga, tapos may pa-powerpuff-powerpuff girls pa sila, wala rin naman pala!. . .(Powerpuff girls - stamp na inilalagay sa braso pagkatapos tignan ng doktor/nars ang temperatura ng mga pumapasok sa loob ng San Beda campus)
Estudyante 1: Sino sa'yo? Sa 'kin si Buttercup. Eh sa'yo?
Estudyante 2: Si Blossom eh. Hahaha! Eeeew!
.
...panalo, tawa ako nang tawa paglabas! Kaso mahirap din pala pauwi, nakakatakot mag-LRT; kaya napilitan akong lakarin ang kahabaan ng Recto at nakahanap din naman ng taxi. :) Yehey! Sa tingin ko kailangang bumili na ako ng face mask eh. :
.
.
Ingat kayong lahat sa flu na yan! :)

MEMBER OF:

free logo design free logo design